Nasa ibaba ang impormasyon na isinalin mula sa Wikang Japanese.
Paalaala 1: Hindi palaging ilalabas ang alert level 5 dahil hindi siguradong matitiyak ng munisipyo ang kalagayan ng sakuna, o sa ibang kadahilanan.
Paalaala 2: Ilalabas ang Utos ng Paglikas sa tiyempo na pareho sa Abiso ng Paglikas sa dating sistema.
Paalaala 3: Ang alert level 3 ay magsisilbing tiyempo kung kailan ang mga tao maliban sa matatanda, atbp. na magsimulang baguhin ang karaniwang gawain depende sa pangangailangan, maghanda para sa paglikas, o magkusang lumikas dahil sa tumitinding panganib.
Mapanganib ang lumabas kapag may malakas at tuluytuloy na apg-ulan kahit pa nakasasakyan ka. Kapag napilitan kang palipasin ang gabi sa sasakyan, magingat nang mabuti at itsek ang iyong kapaligiran, atbp., upang tiyaking hindi ka maiipit sa baha.