Mga tip para sa mga dayuhan para sa para mabawasan ang pagkasalanta sa oras ng sakuna
1Alamin ang mga natural na sakuna ng Japan
Ang Japan ay isang bansang napakaraming natural na sakuna (lindol, tsunami, bagyo, malakas na ulan, atbp.). Mula Hunyo - Oktubre, dumadami ang bagyo at malakas na ulan. Sa oras ng malaking sakuna, iba't ibang uri ng pinsala ang nagaganap kung saan imposibleng ipagpatuloy ang pang-araw-araw na pamumuhay.
2Maghanda tayo nang maaga
Maghanda tayo nang maaga upang mabawasan ang mga pinsala.
Mga paghahandang maaaring magawa ng bawat isa
Pagpigil ng pagkatumba ng mga kasangkapan sa bahay
Paghahanda ng dadalhing bag sa oras ng emergency
Pag-iimbak ng tubig at pagkain
atbp.
Mga paghahanda ng komunidad
Ang mga ugnayan sa komunidad ay magiging malaking tulong sa oras ng sakuna. Aktibo tayong lumahok sa mga disaster drill o mag-boluntaryo sa mga aktibidad.
3Kumpirmahin natin ang impormasyon tungkol sa sakuna
Mayroong madaling gamiting app at website para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga sakuna. Irehistro ang mga ito nang maaga sa iyong smartphone atbp.
http://www.bousai.go.jp/kokusai/web/img/08_bousai_guidebook_Web_PH.pdf
Partikular na makikinita nito na maaagang darating ang bagyo.
May mga pagkakataong ang mga lokal na gobyerno ay may mga inihandang paraan ng pagpapakalat ng impormasyon sa iba't ibang wika. Mangyaring kumpirmahin natin ito nang maaga.
Laging kumpirmahin mga evacuation center, atbp. sa inyong mga lugar.
4Lumikas tayo sa ligtas na paraan
Ang mga taong nasa mapanganib na lugar sa oras ng sakuna ay kinakailangang lumikas patungo sa ligtas na lugar. Ang mga pampublikong pasilidad tulad ng mga paaralang elementarya, atbp., ay karaniwang itinatalaga bilang mga evacuation center, atbp.
Kumpirmahin natin ang mga dapat gawin sa paglikas at ang daloy ng pagdedesisyon sa gagawing aksyon sa paglikas sa kalagitnaan ng hindi pagkalma ng COVID-19.
http://www.bousai.go.jp/kokusai/evacuation_points/pdf/point_tl.pdf
Sa kaso ng lindol o tsunami
Kung malapit sa baybayin at nakaramdam ng pagyanig ng lindol o kung may inilabas na babala ng tsunami, atbp., magmadali at lumikas kaagad patungo sa mataas na lugar.
Sa kaso ng malakas na ulan
Huwag lumapit sa mga ilog o bangin.
Smartphone app na maaaring magamit sa oras ng sakuna
Safety tips
App na kapaki-panginabang upang makakuha ng impormasyon ukol sa mga sakuna sa Japan.
《iOS》
https://itunes.apple.com/us/app/safety-tips/id858357174
《Android》
https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.co.rcsc.safetyTips.android&hl=en
VoiceTra
Ito ay isang highly accurate multilingual voice translation app na nagsasalin ng iyong mga sinasabi sa wikang banyaga.
《iOS》
https://apps.apple.com/us/app/id581137577
《Android》
https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.go.nict.voicetra&hl=en
Ipinakikilala ang mga serbisyo na gumagamit ng VoiceTra technology
https://gcp.nict.go.jp/news/products_and_services_GCP.pdf
NHK WORLD-JAPAN
Pinalaganap ang balita ng NHK. Ipinagbibigay-alam din ang mga impormasyong pang-emergency sa oras ng lindol at tsunami.
《iOS》
https://itunes.apple.com/us/app/nhk-world-tv/id350732480?mt=8
《Android》
https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.or.nhk.nhkworld.tv&hl=en
Website na maaaring magamit sa oras ng sakuna
Japan Meteorological Agency Impormasyon tungkol sa mga sakuna
https://www.data.jma.go.jp/multi/index.html?lang=ph
Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism Disaster Prevention Portal
https://www.mlit.go.jp/river/bousai/bousai-portal/index.html
NHK WORLD-JAPAN
Pangangasiwa at kooperasyon mula sa: Ministry of Justice, Ministry of Internal Affairs and Communications, Fire and Disaster Management Agency, Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism, Japan Tourism Agency, Japan Meteorological Agency
* Ang impormasyon sa mga app at website ay mula sa katapusan ng Agosto 2024